Harapin Ang Liwanag! Chapter XV

Submitted by anino via FSS on Thursday, 23 July 2015, 04:57 PM
Categories: Erotic Horror, Supernatural, Sci-Fi and Fantasy   Tags:

Chapter XV: The Night Stalker!

Tumunog ang celfon ni Elizabeth at nung tiningnan niya ito pangalan ng papa niya ang nasa screen kaya sinagot agad niya ito "hello, papa napatawag ka?" tanong niya "nasaan ka ba ngayon?" tanong ng papa niya. "Nagdadrive pauwi, bakit?" tanong niya "pumunta ka dito sa opisina" sabi ng papa niya "sige papa" sagot niya at binaba na ng papa niya ang telepono "we need to stop" sabi niya sa ka date niya. "Why?" tanong nung lalake "pinapapunta ako ni papa sa opisina" sagot niya na tinulak niya paalis ang lalake sa ibabaw niya "can we just finish before you leave?" sabi nung lalake na kinuha na ni Elizabeth ang mga damit niya at nagbihis na ito.

"I"m sorry lover maybe next time" sabi ni Elizabeth na hindi na niya sinuot ang panty niya at sinuot nalang nito ang blouse at shorts niya "awww but i'm so horny" lambing ng lalaki sa kanya. "FINE! make it quick" sabi ni Elizabeth na hinubad lang niya ang shorts niya at tumuwad ito. Nasa daan na siya pagkatapos labasan nung ka date niya at papasok na siya ng parking lot nung tinawagan uli siya ng papa niya "i'm parking my car papa" sagot niya "umakyat ka sa 10th floor" sabi ng papa niya sabay baba nito ng telepono. "What the... Issa?" nagtaka siya dahil nakita niya ang kotse ng ate niya sa parking lot at umakyat na siya sa taas at pagdating niya sa 10th floor nakita niyang maraming pulis ang nakatayo malapit sa opisina niya at yung iba parang me tinitingnan sa dulo ng hallway.

"Papa, what happened?" tanong niya dahil nakita niyang sira-sira ang mga gamit sa opisina at me malaking butas ang pader malapit sa opisina niya "I have no idea, tumawag yung security ng building at me nangyari daw kagulohan dito" sagot ng papa niya. "Don Rosales, iniinbistigahan na ng mga pulis ko ang nangyari dito at tinitingnan narin namin ang CCTV ng building" sabi nung head ng imbistigador. "Salamat, tatawagan ko din ang insurance para matingnan nila ang damage ng opisina" sabi ni Don Rosales na napansin niya si Elizabeth na parang me hinahanap ito "sino ang hinahanap mo, Elizabeth?" tanong ng papa niya. "Ah si ate papa, nakita ko kasi ang kotse niya sa parking lot" sagot ni Elizabeth na nagulat ang papa niya.

"Si Isabella, nandito?" takang tanong ng papa niya na tumingin din ito sa paligid "ah si Lt. Isabella Rosales ho ba ang tinutukoy niyo?" tanong nung lead invistigator "oo, kapatid ko siya" sagot ni Elizabeth. "Pasensya na po pero hindi po namin siya kasama dito" sagot nung pulis na nilapitan siya ng isa pang pulis at me binulong sa kanya "sige" sabi niya dun sa tauhan niya "Don Rosales natapos na pong tingnan ng tauhan ko ang CCTV, me ipapakita daw sila sa inyo" sabi nung pulis sa kanila na sumunod sila nito papunra sa security room. "Kilala niyo ho ba ang taong ito" tanong nung tech-invistigator "hindi, pero yung babae oo kapatid ko siya" sabi ni Elizabeth.

"Kilala namin siya, kasamahan namin siya sa presinto" sabi nung tech-invisitigator "ano ang ginagawa ng kapatid mo dito at sino ang kasama niya?" takang tanong ni Don Rosales kay Elizabeth. "Hindi ko alam papa, tatawagan ko si ate ngayon din" sabi ni Elizabeth at kinuha niya ang phone niya at dinayal ang number ni Isabella. Nagriring lang ito at maya-maya ay sumagot ito "Hello ate nasaan ka ba?" tanong ni Elizabeth "ay sorry po ma'am pulis po ito" sabi sa linya "pulis?" takang tanong ni Elizabeth "oo, nahanap ko po ang teleponong ito sa rooftop" sagot nung pulis "Dyos ko" sabi ni Elizabeth "ano ang nangyari?" tanong ni Don Rosales "nahanap ng mga pulis ang celfon ni ate sa rooftop" naluluhang sabi ni Elizabeth na agad silang sumakay sa elevator at pumunta ng rooftop.

"Sir, ma'am mag-ingat po kayo" sabi nung isang pulis sa kanila nung lumabas sila sa pinto "nasaan ang celfon ng ate ko?" hanap agad ni Elizabeth na binigay agad ito nung pulis na nakahanap nito. "Celfon nga ito ni ate Issa, alam ko kasi ako ang nagbigay nito nung birthday niya" sabi ni Elizabeth "Tenyente, me..." hindi natapos ni Don Rosales nung tinanong niya ang Tenyente ng pulis "wala naman po pero ayun sa imbistigasyon namin me naganap na labanan dito" balita ng Tenyente sa kanila. "Me nakita kaming mga slugs sa pader at sa sahig ng helipad pero wala kaming nakitang dugo o ano mang senyalis na me tinamaan nito" balita ng Tenyente sa kanila.

"Sir tapos na po naming kunan ng statement ang janitor" sabi nung isang tauhan niya "gagawa kami ng final sweep bago kami aalis Don Rosales" sabi nung Tenyente "sige, salamat at balitaan niyo kami kung me update kayo" sabi ni Don Rosales. "Sige po, ma'am" paalam ng Tenyente kay Elizabeth na tumango lang siya "papa i'm worried" sabi niya sa papa niya "hmm.. " lang si Don Rosales ng tumunog ang phone niya "ang mama mo" sabi niya at sinagot niya ito. "Hello" sabay lakad nito papunta sa dulo ng rooftop at kinausap niya ito habang tinawagan naman ni Elizabeth ang apartment ni Isabella na walang sumagot sa telepono. "Ate nasaan ka ba?" nag-aalalang sabi ni Elizabeth na tumingin siya sa helipad at sa papa niyang kausap ang mama niya.

"Umuwi parin si Lorenzo kahit alam niyang kamatayan lang ang naghihintay sa kanya at sa mga tauhan niya?" tanong ko kay Haring Narra "oo, nangako kasi siyang babalik sa Kuro kung kailanganin na siya" sagot niya. "Ano ho ba ang nangyari sa kanila? Paano ho ba sila naubos?" tanong ko na kinalabit ako ni manang Zoraida "ok lang Zoraida" sabi ni Haring Narra na tumayo ito at binitbit ang espada ni Lorenzo at lumapit siya kay Julian. "Julian ang ikukwento ko sayo ay base lang sa nalalaman ko" sabi ni Haring Narra sa kanya na tumingin lang sa kanya si Julian "Narra tama na, hindi na niya kailangan pang malaman ang nangyari noon" sabi ni manang Zoraida. "Dapat niyang malaman ang totoo, Zora" sabi ni Haring Narra.

"Ano ho ba ang sinasabi niyo?" tanong ni Julian "ang totoo, si Lucia ang pumatay kay Lorenzo" sabi ni Haring Narra na nagulat kami pareho ni Julian na bigla siyang napatayo at hinarap si Haring Narra. "Nagsisinungaling kayo!" sabi ni Julian sa kanya "hindi ako nagsisinungaling Julian, totoo ang sinasabi ko" sabi ni Haring Narra sa kanya na lumingon si Julian kay manang Zoraida "totoo ho ba ang sinasabi niya?" tanong ni Julian sa kanya na hindi siya sinagot ng matanda. "SABIHIN NIYO SA AKIN NA NAGSISINUNGALING LANG SIYA!" sigaw ni Julian kay manang Zoraida na tumayo ito at tumalikod sa kanya. "HINDI.. BAKIT PAPATAYIN NI REYNA LUCIA SI LORENZO KUNG MAHAL NA MAHAL NIYA ITO!" sigaw ni Julian sa kanila na hindi sila nagsalita.

"Julian kumalma ka, baka me rason si Lucia kaya niya ito ginawa" sabi ko sa kanya na tiningnan lang niya ako at bigla itong lumipad palayo sa amin "JULIAN!" tawag ni manang Zoraida "hayaan na muna natin siya, Zoraida" sabi ni Haring Narra. Tumingin si manang sa kanya at tinuro siya nito "sabi ko sayo huwag mong sabihin sa kanya ang nangyari noon, nangako ka kay Reyna Lucia" sabi ni manang Zoraida sa kanya. "Karapatan niyang malaman ang totoo, Zoraida" sabi ni Haring Narra "oo, pero hindi sa ganitong paraan na diretsahang sabihin mo sa kanya ang totoo" sabi ni manang Zoraida. "Tingnan mo ang ginawa mo Narra" sabi ni manang Zoraida sa kanya "tayo na Jasmine, Isabella bumalik na tayo sa kubo" yaya sa amin ni manang Zoraida "opo nay, paalam po Haring Narra" paalam ni Jasmine at sumunod ito sa nanay niya.

"Pasensya kana, Isabella" sabi ni Haring Narra sa akin "wala po kayong dapat ihingi ng pasensya, Haring Narra" sabi ko sa kanya na kita kong nalungkot ito. "Totoo ho bang si Reyna Lucia ang pumatay kay Lorenzo?" tanong ko sa kanya na tumango siya "yun ang pagkakaalam ko, dahil yun din ang sinabi sa akin ni Zoraida" sabi niya sa akin. "Ganun ho ba?" tanong ko na napa-isip ako sa mga kinwento niya sa amin tungkol sa dalawa "malapit lang ho ba dito ang lugar ng mga Bailan?" tanong ko sa kanya "oo" sagot niya "pwede ho bang samahan niyo ako doon? Hindi niyo po naitatanong pulis po ako at magaling po akong imbistigador" sabi ko sa kanya "hmm.. pulis" sabi niya "ah hehehe ibig sabihin po alagad po ako ng batas" sabi ko sa kanya "alam ko kung ano ang pulis" nakangiting sabi niya.

Sinamahan niya ako sa lugar ng mga Bailan at nakita kong parang gubat na ito dahil sa dami ng punong nakatayo dito "dalawang daang taon na ang nakalipas kaya ganito na ngayon ang Kuro" sabi ni Haring Narra sa akin. Wala na akong nakitang bakas na tinirhan ito noon ng mga Bailan, naglakad-lakad ako at me nakita akong isang parte sa gubat na itim ang lupa at ito lang ang parte na hindi tinuboan ng ano mang halaman o puno. Tumayo malapit dun si Haring Narra at pinikit niya ang mga mata niya na para bang nag-alay siya ng dasal sa parteng yun "ano ho ba ang nangyari dito?" tanong ko sa kanya na binuka niya ang mga mata niya at tumingin siya sa akin. "Dito pinatay ni Lucia si Lorenzo" sabi niya sa akin na napatingin ako sa lupa "bakit sobrang itim ng lupa?" tanong ko "dahil sinunog niya si Lorenzo" sagot niya na nagulat ako.

"Teka, kung naubos nung gabing yun ang mga Bailan paano na buhay si Julian?" tanong ko sa kanya "hmmm... dumating sa kaharian ko ang kabayo ni Lorenzo sakay ang sanggol na si Julian" kwento niya. "Inisip ko ginawa niya ito para makatakas ang anak niya" dagdag niya "paano niyo po nalaman na anak ni Lorenzo ang batang sakay nun?" tanong ko "kasama ni Julian ang espada ni Lorenzo" sagot niya sa akin. "Ganun ho ba?" tanong ko na tumingin ako sa paligid at wala na akong makitang ano mang bakas ng bahay sa paligid at puro puno nalang "sobrang init siguro nung apoy dahil pati ang lupa hindi na tinuboan ng puno" sabi ko "Incendiu uimitoare (blazing fire)" sabi ni Haring Narra "ano ho?" tanong ko "yun ang pangalan ng apoy na binuga niya kay Lorenzo" sabi niya sa akin.

"Isabella" sabi bigla ni Julian sa likuran ko "ginulat mo naman ako" sabi ko sa kanya na napatingin siya sa lupang tinayuan namin ni Haring Narra "kailangan na nating bumalik sa kubo, malapit ng lumabas ang araw" sabi niya sa akin. "Mauna kana, susunod nalang ako" sabi ko sa kana na hindi siya umalis at nakatitig lang sa itim na lupa "Julian..." tawag ni Haring Narra sa kanya "dito ba siya pinatay?" tanong ni Julian sa kanya na nagkatinginan kamin ni Haring Narra "ah.. oo" sagot ni Haring Narra. Lumapit si Julian at tumayo sa gitna at niluhod niya ang kanang tuhod niya at nilagay ang kamay niya sa lupa at pinikit niya ang mga mata niya.

"Julian..." tawag ko sa kanya na tinaas niya ang ulo niya at bigla nalang bumuka ang mata niya at lumiwanag ang mga ito "JULIAN!" sigaw ko dahil sa gulat at bigla nalang me anong hanging umiikot sa paligid niya kaya napaatras kami ni Haring Narra. "Isabella lumayo ka sa kanya" sabi sa akin ni Haring Narra kaya lumayo ako at nakita naming bumalot na yung hangin kay Julian at biglang me lumabas na apoy mula sa lupa at bumalot ito sa kanya. "JULIAN!' napasigaw ako sa takot dahil nakikita kong nasusunog na siya na pinigilan ako ni Haring Narra dahil humakbang ako palapit kay Julian "hayaan mo siya Isabella" sabi niya sa akin na maya-maya lang ay nawala na yung apoy at nakita naming umusok ang suot ni Julian at tumayo siya.

"Julian?" tawag ko sa kanya na tinulak ko ang kamay ni Haring Narra na pumigil sa akin at lumapit ako kay Julian "kailangan na nating bumalik sa kubo" sabi ni Julian sa akin na hinawakan niya ako sa beywang at tumingin siya kay Haring Narra. "Sige" sabi ng Hari sa amin na bigla nalang kaming naging anino at mabilis kaming nakarating sa kubo "saan ba kayo galing?" tanong ni manang Zoraida sa akin "ah naglakad-lakad lang po manang" sagot ko na tumingin ako kay Julian at inignore lang ako nito. "Magpahinga na muna kayo habang hindi pa umakyat ang araw" sabi ni manang Zoraida sa amin "sige po, manang" sabi ko na tinuro sa sakin ni Jasmine kung saan kami matutulog "Julian" tawag ko sa kanya na tumango lang siya at tumayo sa gilid

Para narin akong bampira dahil natutulog ako sa araw at nakahabol narin kasi ang pagod sa akin kaya nung pagkahiga ko sa kama tulog agad ako "hayaan nalang muna natin siyang matulog" sabi ni Zoraida kay Julian. "Pumunta ako sa Kuro" sabi ni Julian kay Zoraida "ah.. " hindi nakapagsalita ang matanda "sinunog pala niya ang ama ko" sabi Julian sa kanya na umiwas ng tingin ang matanda sa kanya "alam kong me rason ang Reyna bakit niya ginawa yun kay Lorenzo" sabi ni Julian kay Zoraida na hindi siya nito sinagot. "Bakit ayaw niyong sabihin sa akin ang totoo?" tanong ni Julian sa kanya na lumingon sa kanya ang matanda at sabing "wala ako nung nangyari yun, Julian" sabi ni Zoraida sa kanya.

"Bakit niyo sinabing pinatay ni Reyna Lucia ang ama ko kung wala naman pala kayo dun?" tanong ni Julian "dahil yun ang sinabi sa akin ni Guillermo, binugahan ng apoy ni Lucia si Lorenzo" dagdag niya na napaluha na ito. "Tanging si Lucia lang ang makapagbibigay liwanag sa nangyari noon, dahil siya ang unang dumating sa Kuro nung nabalitaan nilang inatake ito at nung parating na sina Guillermo nakita nilang binugahan ng apoy ni Lucia si Lorenzo" kwento niya kay Julian na napaupo ang binata at napaisip ito. "Me paraan ho ba manang para makausap ko siya?" tanong ni Julian sa kanya na napatingin sa kanya ang matanda "hmm..hindi ko alam" sagot ng matanda sa kanya.

"Me alam ka manang sabihin niyo na sa akin" sabi ni Julian sa kanya na umiwas ang matanda at pumunta ito ng kusina kaya sinundan siya ni Julian pero napatigil siya dahil sa sinag ng araw na pumasok sa loob. "Manang Zoraida, sabihin niyo na sa akin kung paano" sabi ni Julian sa kanya "huwag mo na isipin yun Julian, magpahinga ka nalang dyan" sabi ng matanda sa kanya "dalawang daang taon akong natulog hindi ko kailangan ang pahinga" sabi niya sa matanda. "Haayyy.. me lugar sa palasyo na pwede mong gamitin para kausapin si Reyna Lucia.. pero mapanganib ito" sabi ng matanda sa kanya "wala sa akin ang panganib" sagot ni Julian "magpahinga ka, mamayang gabi dadalhin kita doon" sabi ng matanda sa kanya na napangiti si Julian sa narinig niya.

Umalis na ang mga pulis pagkatapos nilang suriin ang buong gusali at iba pang parte ng opisina "mag-ooperate ba tayo mamaya, papa?" tanong ni Elizabeth sa kanya "hindi, tawagan mo ang sekretarya mo para itexts ang mga tauhan natin na wala munang pasok sa araw na ito" utos ng papa niya. "Tama din at byernes ngayon bigyan na natin sila ng long weekend" sabi ni Elizabeth "hmmm... kung hindi lang nakakahiya pinapasok ko na sila" sabi ng papa niya "bakit nakakahiya, papa?" tanong ni Elizabeth. "Hmp! Dahil sa kapatid mo" sagot ng papa niya na naglakad ito papunta sa bintana at tumingin sa labas "hindi ba dapat concern tayo kay ate dahil hindi pa natin alam kung ano ang nangyari sa kanya? Parang hindi mo siya anak" sabi ni Elizabeth na tiningnan siya ng papa niya kaya natahimik siya.

Tumunog ang phone ng papa niya at nung tiningnan niya ito "umuwi kana Elizabeth" utos ng papa niya "paano si ate?" tanong niya "sa puntong ito wala pa tayong magagawa, hintayin nalang natin ang report ng mga pulis" sabi ng papa niya. "Umuwi kana at magpahinga ka at sabihin mo sa mama mo mamaya na ako uuwi" sabi ni Don Rosales na tumango si Elizabeth at humalik ito sa pisngi niya at umalis na ito. Nung masiguro niyang wala na ang anak niya agad niyang sinagot ang tawag "bakit?" tanong niya "sige bababa na ako" sagot niya sa linya at binaba na niya ang phone niya at naglakad papunta sa elevator. Kinuha niya ang susi niya sa bulsa at ginamit niya ito at sumara na ang pinto ng elevator at bumaba na ito.

Huminto na ang elevator at bumukas ang pinto, nakita niya ang mahabang corridor papunta sa isang malaking pinto at nung tumayo na siya sa harap bigla itong bumukas at nakita niyang konte lang ang ilaw na lumiliwanag sa loob. Pumasok siya sa loob at nakita niya ang taong tumawag sa kanya kanina "sa wakas nagpakita narin siya" sabi nung taong nakaupo sa upoan "oo, pero me problema tayo" sabi ng Don. "Si Isabella?" tanong nung tao sa kanya "oo, nawawala sila ngayon at hindi namin alam kung nasaan siya" sagot ng Don "hmm.. alam kong iisang lugar lang ang pagtataguan nila" sabi nung tao sa Don. "Saan?" tanong ng Don "sa lugar ng mga taong puno, kay Narra" sagot nung tao sa kanya "bakit doon?" tanong ng Don sa kanya.

"Malapit si Julian kay Narra dahil sa kanya siya lumaki bago siya kinupkop ni Lucia" sabi nung tao sa Don "kung ganun mahihirapan tayong lapitan sila dahil sakop ng Haring yun ang buong gubat" sabi ni Don Rosales. "Alam ko, at alam ko din na kasama niya ngayon si Zoraida" sabi nung tao "si Zoraida?" takang tanong ng Don "binalita sa akin ng mga tauhan ko na magkasama sila doon sa palasyo" sabi nung tao na tumayo ito at naglakad palapit sa Don. "Alam mo na ang gagawin mo Enrico" sabi nung tao sa kanya "kung kasama ni Julian si Zoraida ibig sabihin kasama din nila ang Aklat ng Dilim" sabi ng Don. "Oo, alam mo na ang gagawin mo" sabi nung tao sa kanya "hindi kaya ng mga tauhan ko si Julian" sabi ng Don "pwes gamitin mo siya" sabi nung tao na me lumabas bigla sa likuran ni Don Rosales at yumuko ito.

Sumakay na muli sa elevator si Don Rosales kasama ang taong nirekomenda ng kausap niya kanina sa basement "siguradohin mong makuha mo ang Aklat ng Dilim" sabi ng Don sa kanya "si Isabella?" tanong nito. Huminto na ang elevator sa lobby at bago bumukas ang pinto "ako na ang bahala sa kanya" sagot ng Don na pagbukas ng pinto ng elevator bigla nalang nawala ang tao sa likuran niya at makikita sa CCTV ng lobby na si Don Rosales lang ang lumabas mula sa elevator. Naglakad na siya papunta sa kotse niya at pagdating niya doon nakita niya itong nakatayo malapit sa exit ng parking lot at umalis na ito kasunod ang sampung anino na sumama sa kanya. "Isabella, kung nasaan ka man ngayon sana hindi ka kasama nila" sabi ng Don sa sarili niya at sumakay na siya sa kotse niya.

Nagising ako ng hapon at nakaramdaman narin ako ng gutom, bumangon ako at naaamoy ko ang niluto ni manang Zoraida sa kusina kaya pumunta ako dun at nakita ko siyang abala sa ginagawa niya. "Manang" tawag ko sa kanya "gising kana pala, maupo kana dyan at ihahain kita ng pagkain" sabi niya kaya naupo ako sa upoan at humihukab pa akong nakatingin sa bintana. "Nasaan po ba si Julian?" tanong ko kasi hindi ko siya nakita sa loob ng kubo "nasa labas" sagot ni manang "sa labas?" gulat na tanong ko na tumayo ako at sumilip sa labas "me araw pa ah?" tanong ko "nagpapasilong naman yun sa mga puno" sabi niya at kita kong marami nga namang puno na nakapalibot sa kubo.

Kumain na ako at pagkatapos nagpaalam ako kay manang na lalabas lang ako para mag stretch, naglakad-lakad ako sa gubat ng mapansin ko si Julian na nakaupo sa isang malaking puno at nakapikit ang mga mata nito. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanya at parang napansin ata ako dahil lumingon ito sa akin at tiningnan ako "nakatulog ka ba ng maayos?" tanong niya sa akin nung malapit na ako. "Oo, ano ang ginagawa mo dito? Hindi ka ba natatakot sa sinag ng araw?" tanong ko sa kanya "nakasilong naman ako sa mga puno kaya maayos lang" sagot niya sa akin. Umupo ako malapit sa kanya at tumingin sa malayo.

"Bakit?" tanong niya bigla sa akin "wala naman akong sinabi ah?" sabi ko sa kanya "nababasa ko ang inisiip mo" sabi niya sa akin "BASTOS!" sabi ko sa kanya na sinuntok ko siya sa balikat pero wala lang sa kanya. "Uhm.. well..." sabi ko "itatanong mo kung ano ang ginawa ko kanina?" sabi niya sa akin "ah.. oo sana" sagot ko sa kanya na huminga siya ng malalim at tumayo ito "halika" yaya niya sa akin na nauna siyang naglakad sa akin kaya agad akong tumayo at sumunod sa kanya. Kita kong nakasilong lang siya sa anino ng mga puno habang naglakad kami papunta sa lugar ng mga Bailan at pagdating namin dun kita kong madilim ito dahil sa maraming punong nakatayo dito.

Pumunta kami sa lugar kung saan daw sinunog ni Lucia si Lorenzo, pagdating namin dun tumayo kami sa pagitan ng itim na lupa "hawakan mo ang kamay ko" sabi niya sa akin kaya hinawakan ko ito. "Ano ang gagawin.." "tumahimik ka lang" pagputol niya sa akin "ipikit mo ang mga mata mo at tumahimik ka lang" sabi niya sa akin kaya pinikit ko ang mga mata ko at naghintay sa susunod na mangyayari. Nakaramdam ako ng panlalamig sa katawan ko at kasunod ang mainit na hangin na bumalot sa katawan ko "ANO ITO!?" sigaw ko "huwag kang bumitaw basta ipikit mo lang ang mga mata mo" sabi ni Julian sa akin at maya-maya lang ay nawala na ito.

"Ibuka mo ang mga mata mo" sabi niya sa akin kaya dahan-dahan ko itong binuka at nagulat nalang ako dahil nakapaligid sa amin ang maraming tao "ah.. ano.." hindi ako nakapagsalita sa nakita ko. "Ito ang dating Kuro, ito ang nakita ko kaninang madaling araw" sabi ni Julian sa akin. "Pa.. paano nangyari ito?" tanong ko sa kanya na tumingin ako sa paligid at nakikita ko ang maraming Bailan sa paligid namin "ito ang abilidad ni Mauricio, isang bampira na nasa loob ko" sabi ni Julian sa akin "me kakayahan siyang makita ang kahapon ng isang lugar, kaya ito ang ginawa ko kanina" paliwanag niya sa akin. "Nakita mo ba kung ano ang nangyari sa papa mo?" tanong ko sa kanya "hindi, pinilit kong hanapin ang kahapon na yun pero parang me anong pumipigil sa akin" paliwanag niya.

Natutuwa ako sa mga nakikita ko dahil puno ng buhay ang lugar at kita kong ang gaganda ng mga babae dito lalong-lalo na ang mga suot nila na litaw na litaw talaga ang mga tiyan nila lalo na ang makikinis at mahahaba nilang hita. "Isabella" sabi ni Julian sa akin dahil siguro nababasa niya ang iniisip ko "ah hehehe na appreciate ko lang ang ganda nila" sabi ko sa kanya na umiling lang siya "ang ganda ng mga suot nila" sabi ko na kita kong ngumiti lang si Julian. "Nasaan ang papa mo?" tanong ko sa kanya "wala dito, nasa palasyo siya ni Reyna Lucia" sagot niya "teka, panahon ito nung wala pa ang papa mo dito sa Kuro?" tanong ko sa kanya "oo, at nakikita mo yung nakatayo sa malaking kubo" turo niya sa akin "siya si Lam-ang, ang lolo ko at pinuno dito sa Kuro" pakilala niya.

"Sino yung nasa tabi niya?" tanong ko "siya si Hen. Amistad ang kanang kamay niya" pakilala niya "paano mo sila nakikilala? Hindi ba wala kang alam tungkol sa mga Bailan?" tanong ko sa kanya. "Bumalik ako dito kanina habang natutulog ka, pilit kong inalam kung ano ang nangyari noon sa tatay ko" paliwanag niya sa akin "ganun ba?" tanong ko na napansin kong me isang taong nakaitim at nakatingin sa amin. "Sino naman siya?" tanong ko kay Julian "Isabella, maghanda ka" sabi niya bigla sa akin "bakit?" tanong ko sa kanya na bigla niyang binitawan ang kamay ko at biglang nawala ang mga tao at bumalik sa maraming puno ang paligid pero nagulat ako nung makita kong nandun parin ang taong nakikita ko kanina. "Akala ko.." "ISABELLA TUMAKBO KANA!" sigaw ni Julian.

Kinapa ko ang baril ko at nakalimutan ko wala pala sa holster ko "BUMALIK KANA SA KUBO" sigaw niya sa akin dahil biglang me sumulpot na sampo pang nakaitim sa taong nasa harapan namin. "Tutulongan kita" sabi ko sa kanya "HUWAG MATIGAS ANG ULO" sigaw niya sa akin "HUWAG MO AKONG SIGAWAN!" balik ko sa kanya na niyakap niya ako at naging anino kaming dalawa at umalis kami palayo sa kanila. Tumingin ako sa likod namin at na kita kong nakasunod sila sa amin "bilisan mo" sabi ko sa kanya "alam ko, kung gabi lang sana hindi nila tayo mahabol ng ganito" sabi niya sa akin dahil me araw pa kasi kaya sa anino lang ng mga puno dumadaan si Julian. "Malapit na sila" sabi ko ng biglang huminto si Julian "bakit ka tumi..." hindi ko na natapos dahil kita kong nasa pangpang na pala kami at wala na siyang punong masisilungan.

"Ano ang gagawin natin?" tanong ko sa kanya na binaba niya ako at bumalik na kami sa anyo namin "lalaban tayo" sabi niya na me lumabas na espada sa palad niya "bigyan mo ako ng isa" sabi ko sa kanya. "Hindi, dito ka lang sa likod ko" sabi niya sa akin "tutulongan kita" sabi ko "sabi kong hindi!" sagot niya na tinulak niya ako ng mahina at umatake siya "JULIAN!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Nakita kong umatake din sa kanya ang sampung taong sumunod sa amin at yung unang taong nakita namin kanina mabilis itong tumakbo palapit sa akin "JULIAN!" tawag ko sa ka...

Read More

You might also like:

Leave a comment

Name (required)

Comment (required), Allowed HTML Tags: <strong> <b> <em> <i> <u>
Verification Code (required)

Reload Image

You might also like to visit: